Aroganteng ex-official basted sa beauty queen/actress
BINASTED ng isang may edad na ring ex-Beauty Queen/actress ang isang matanda at retiradong pi-nuno ng isang kilalang ahensya ng gobyerno dahil sa pagiging mayabang at arogante nito.
Ayon sa ating cricket, hindi nagustuhan ng matangkad at sexy pa rin na aktres ang sobrang hangin sa katawan ni dating Government Official.
Kapag magkwento raw kasi si Lolo ay feeling niya ay sya na ang pinakamatalino at pinaka-machong nilalang sa mundong ibabaw.
Pati raw ang mga kaibigan ni aktres ay turned-off sa sobrang kayabangan ni Tatang pero hindi na lamang nila ito ipinahahalata kapag sila’y magkakasama dahil sa totoo lang ay galante naman daw si dating Government Official.
Mahusay at kilalang abogado lalo na ng mga pulitiko si Lolo, kaya kahit saan sila magpunta ay laging may kakilala ito.
Pero lingid sa kaalaman ng kanyang mga dating kliyente ay may kadaldalan pala itong si Tatang, pati ang kanilang pribadong buhay ay ikinukwento ni dating Government Official sa kanyang pinupormahan na dating beauty queen.
Hindi gusto ni aktres ang ganung diskarte dahil napansin din niya na may pagka-kiss-and-tell ang dating opisyal dahil pati raw ang kanyang mga dating “secret affairs” ay ibinibida kay aktres hoping na makakahugot siya rito ng pogi points.
Sinabi ng dating beauty queen/actress na mahirap makarelasyon ang ganitong nilalang dahil baka duma-ting ang panahon na siya naman ang itsismis nito sa kanyang mga kaibigan pagdating ng araw.
Kaya makalipas lamang ang ilang buwan ay winakasan na ng aktres ang kanyang pakikipagkita sa diskarteng-bulate na dating pinuno ng isang makapangyarihang ahensya ng gobyerno.
Ilang araw makaraan siyang mabasted ay muling tumibok ang puso ni Sir. Ayon sa ating cricket, isang batam-batang tisay na nakilala nya sa isang mamahaling KTV Bar sa Parañaque ang bagong apple of the eye ni retired government official.
Palagi raw niya itong idini-display, lalo na kapag nakikipagkita siya sa kanyang mga kaedad at mga kabarkadang abogado.
Hindi nakakapagtakang pinatulan siya ng naturang magandang GRO dahil sa laki ng kinita ni Tatang sa isang project na kanyang niluto bago matapos ang kanyang termino sa pinaglingkuran niyang opisina ng gobyerno.
Dahil sa proyektong iyon kaya hanggang ngayon ay problemado ang opisyal na pumalit sa kanyang iniwang pwesto lalo’t mas magiging busy na sila sa papasok na taong 2016.
Ang matandang dating pinuno ng isang makapangyarihang tanggapan ng pamahalaan na ngayon ay feeling young sa kandungan ng isang batang karelasyon ay si Atty. B….as in Binat-na-Binat.
Ang nambasted naman na dating beauty queen/actress ay si Actress V….as in Vanguard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.