MAGANDANG araw,
ACTION LINE
Isa po akong masugid na tagabasa ng Bandera, lalong-lalo na sa sa inyong column na Action Line. Naisipan ko pong idulog sa inyo ang aking suliranin hinggil sa hindi ko pa natatanggap na accrued pension bilang benepisyo sa aming mga anak ng yumaong beteranong si Eliodoro D. Olvido at maging sa hindi pa natatanggap ng buwanang pension ng aming inang si Elvia P. Olvido ng Bugabungan, Upi, Maguindanao.
Naisumite na po namin ang mga sinagot na mga papeles hinggil sa pag-claim ng accrued pension noong Nobyembre 2014 sa tanggapan ni Raquel A. Cajugiran, ang hepe ng Claims Division ng PVAO, Quezon City at nagbukas ng account sa UCPB, Cotabato City branch bilang pagtugon sa requirements ng PVAO noong nakaraang Enero 2015. Ayon sa PVAO, makakatanggap ng buwanang pensiyon ang aking ina simula Enero 2015 pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming natatanggap.
Matanda na po ang aming ina dahil tutmuntong na siya sa gulang na 93 noong Abril 22. Sana man lang ay bago siya pumanaw ay matitikman din niya ang pinaghirapan ng aming yumaong ama.
Sana po sa pamamagitan ng inyong column ay matutulungan ninyo kami.
Umaasa po kami na may matatanggap na positibong resulta tungkol sa bagay na ito.
Mabuhay po kayo at nawa’y marami pa kayong kababayang matututlungan.
Maraming
salamat po.
Gumagalang,
Adelaida Olvido Gaviola Bugabungan, Upi, Maguindanao
REPLY: Dear Ms. Olvido,
This is with reference to your E-mail message regarding the status of your application Accrued Pension.
Please be informed that said claim is under process subject for preparation of Statement of Distribution and determination of Legal Heirs. Please accept the assurance that we will make a determination on your claim with dispatch and we will inform you of further development relative to your claim.
Should you have further inquires and need assistance, you may reach us at telephone number (02) 912-4760; email at support@pvao.mil.ph; send message via short message service by texting PVAO<space>your message and send to 2920 or log on to PVAO official website at www.pvao.mil.ph.
Respectfully,
RAQUEL A. CAJUGUIRAN
Chief Veterans Assistance Officer Claims
Division.