Juday masama ang loob kaya umatras sa ‘kabit movie’ nina Kris, Claudine at Kim

JUDY ANN SANTOS

JUDY ANN SANTOS

ANO nga kaya ang dahilan ni Judy Ann Santos at tinanggihan niya ang pelikulang “Etiquette Of Mistress” kung saan makakasama sana niya sina Kris Aquino, Claudine Barretto at Kim Chiu sa direksiyon ni Chito Roño para sa Star Cinema.

Dahil dito kaya hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng artista ang Star Cinema para sa papel ni Jaday.

Tinanong namin ang isa naming source kung bakit tinanggihan ni Juday ang pelikula, “Walang rason, eh, basta sabi hindi na niya magagawa.”

Inisip namin na baka magsisimula na siyang mag-taping para sa seryeng Someone To Watch Over Me kasama si Richard Yap under Dreamscape Entertainment.

O, baka kasi hindi type ni Juday na maging kabit kasi nga endorser sila ni Ryan Agoncillo ng MTRCB – ang tema nga kasi ng kanilang TV ad ay tungkol sa mga kabit.

Pwede ring totoong buntis na uli ngayon si Juday kaya ayaw na niyang tumanggap ng pelikula dahil ang priority na niya ngayon ay ang kanyang baby.

Pero sabi naman ng isang source sa pag-atras ni Juday sa nasabing movie, “Una kasing inalok sa kanya ‘yung tile role, tapos pagbalik niya galing New Zealand (bakasyon nila nina Ryan at mga anak) ay biglang hindi na sa kanya ang role.”

Napaisip tuloy kami, dahil ang alam namin ay kay Kris unang inalok ni direk Chito ang “Etiquette Of Mistress” pero tinanggihan ito ng TV host dahil nga conflict sa kontrata niya sa isang multi-national company.

Pero nu’ng nakipag-usap daw si Kris sa mga bossing ng kumpanya at ipinaliwanag ang magiging role niya sa pelikula ay pumayag na rin daw ang mga ito na gawin ni Kris ang proyekto. At sa pagkakaalam namin, iba pa ang role ni Kris sa ibibigay sanang karakter kay Juday.

Read more...