Enrique Gil feels that malakit talaga ang naitulong ng soap opera nilang Forevermore sa pagsikat nila ni Liza Soberano.
“Nu’ng nagte-taping kami wala kaming alam sa lahat. Hindi namin alam ang reaction ng mga tao.
Sabi lang namin, basta enjoy lang tayo. Para kaming naging pamilya doon kasi sa bundok kami lang ang magkasama.
“Sa bonding na ‘yon na kami-kami lang ay doon kayo naging close.
Everybody got to know everybody more. ‘Yung truthfulness dahil sa situation na ‘yon ay na-feel ng tao siguro,” came his explanation kung bakit naging hit ang teleserye nila.
Now, they’re being launched in the big screen as a couple in “Just The Way You Are.”Admittedly, na-develop na si Enrique kay Liza. Nakatulong ang taping nila sa Baguio para makilala nang husto ang aktres.
“Nu’ng sa Baguio nu’ng nagkwento siya sa akin about her life. Doon nabuo ‘yung respeto ko sa mga pinagdaanan niya. Tapos ‘yung nag-trust siya sa akin tungkol sa buhay niya.
So medyo mas lumalalim na ‘yung pag-uusap namin, so doon nagsimula,” chika ni Enrique. May promise naman talaga ang tambalan ng dalawa, in fact, we believe na si Liza na nga ang perfect na ka-loveteam ni Enrique dahil sa lahat ng naging leading ladies ng binata, si Liza lang ang talagang gusto niyang maging girlfriend.