Resbak ni Poe sa mga kritiko:Kwalipikado akong tumakbo

grace poeRUMESBAK si Sen. Grace Poe sa kanyang mga kritiko sa pagsasabing kwalipikado siyang tumakbo sa 2016 presidential polls.

“Hindi po totoo na hindi ako qualified. Qualified po ako,” sabi ni Poe.
Ito’y matapos kuwestiyunin ng United Nationalist Alliance (UNA) ang kanyang kwalipikasyon para makatakbo sa 2016 dahil sa isyu ng kanyang residency requirement.

“Pero hindi pa po ako kandidato,” giit pa ni Poe.
Ayon kay UNA interim president at Navotas Rep. Toby Tiangco kulang si Poe ng anim na buwan sa itinatadhana na 10 taon na residency requirement para sa mga gustong tumakbo ng pagkapangulo at pagkabise presidente sa 2016.

Read more...