Jeepney operator wagi ng P14M sa lotto

lotto 6-45
Isang jeepney operator mula sa Bulacan ang nanalo ng P14.9 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 noong Mayo 25.
Pumunta na ang nanalo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office upang kunin ang kanyang premyo.
Ang nanalo ay 51 taong gulang, may-asawa at tatlong anak.
Siya ang nagiisang nakakuha sa lumabas na numerong 02-08-10-22-27-29. Kinuha niya ang mga numero sa petsa ng kaarawan ng kanyang mga anak at anibersaryo ng kanyang kasal.
May 14 na taon na siyang tumataya sa lotto at P20 ang kanyang taya ng manalo ng jackpot prize.
Plano niyang palawigin ang kanyang negosyo at magtabi para sa pag-aaral ng kanyang mga anak at kanilang pangangailangan sa hinaharap.

Read more...