Malupit at Kuripot ang amo (2)

Sulat mula kay Carol  ng Talipapa, Novaliches, Quezon City

Problema:

1. Pumasok akong katulong sa isang mayamang pamilya dito sa Novaliches, galing akong Misamis Oriental. Noong una ay maganda ang pakikitungo sa akin ng mga amo ko, pero nang tumagal-tagal na ay napansin kong sinusungitan at inaapi na nila ako.
Iba ang pinapaulam sa akin sa ulam ng kanilang mga anak at kadalasan ay panis na gulay ang ulam ko. Ang pinag-usapan naming suweldo na P2,500 ay ginawa nilang P2000 at wala pa akong day-off, at saka ang sinusuweldo ko ay hindi nila binubuo laging bale lang o kulang ang ibinibigay nila sa akin.

2. All-around ako sa bahay na ito kaya gustong-gusto ko na sanang umalis. Ang kaso hindi ko alam kung paano ako makakauwi ng province namin dahil wala naman akong kamag-anak dito sa Maynila. Sana ay matulungan n’yo ako na magbago ang buhay ko sa lugar na ito. March 7, 1988 ang birthday ko.

Umaasa,
Carol ng  Quezon City

Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 2.) ang nagsasabing lakas ng loob ang kailangan upang maka-alpas ka sa kasalukuyan mong problema. Sa tulong ng isang kaibigang babae na nagtataglay ng zodiac sign na Virgo ay makakatakas ka na sa iyong amo.

Numerology:

Ang birth date mong 7 ay nagsasabing ang babaeng tutulong sa iyo ay isinilang sa petsang 1, 19 o kaya’y 28. Siya ang magbibigay sa iyo ng bago at mas magandang trabaho.

Luscher Color Test:

Lagi kang magsuot ng kulay na berde at dilaw upang makontra ang kamalasang inaabot mo sa kasalukuyan. Sa kulay na berde at dilaw ay susuwertehin ka na.

Huling payo at paalala:

Carol, ayon sa iyong kapalaran, isang babae na dati mo na ring kakilala o kaibigan ang darating at mag-aalok sa iyo ng tulong upang makatakas ka na sa malupit mong amo. Wala kang dapat gawin kundi sumunod sa mga ipagagawa niya. Sa ganyang paraan, sa buwan ding ito ng Hunyo ay makakatakas ka na sa kasalukuyan mong amo, makapagpapanibagong buhay at magkakaroon ng isang mas maganda at mas maayos na trabaho sa tulong din ng nasabing babae na nagtataglay ng initial na M.R. Sa bago mong trabaho na may kaugnayan sa pagtitinda, tuloy-tuloy ka nang uunlad at aasenso.

Read more...