Jed Madela napikon sa bashers ng ‘Your Face’
TILA napikon si Jed Madela sa mga netizen na kumokontra sa naging resulta ng huling botohan sa reality talent show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar.
Matapos kasing i-announce ni Billy Crawford ang Final 4 ng YFSF na kinabibilangan nga nina Jay R, Melai Cantiveros, Edgar Allan Guzman at Nyoy Volante na maglalaban-laban sa grand showdown sa darating na weekend, sandamakmak ding negatibong komento ang naglabasan mula sa manonood.
Karamihan sa mga ito ay sinisisi ang tatlong jurors ng show, hindi raw kasi tama ang pagbibigay ng score nina Jed Madela, Gary Valenciano at Sharon Cuneta sa mga celebrity contestants.
May favoritism daw ang mga ito kaya unfair sa mga hindi nakasama sa top 4. Sinagot ni Jed ang ilan sa mga bashers ng show at sinabing, hindi lang naman sila ang nagbibigay ng puntos sa mga contestants.
Sa kanyang Instagram account nagpaliwanag si Jed, “Okay.. I’ve been reading comments about YFSF on FB, IG and Twitter. I don’t get it why others blame us jurors with the scores.
Did they miss out that the 8 contestants also give out their 3 points to their co-contestants?” Dugtong pa niya, “To the bashers, I hope what you’re doing makes you happy.”
Pero sa kabila nito, sinabi ni Jed na talagang nag-enjoy sila sa pagiging judge ng YFSF. Nag-post pa ang singer ng isang litrato sa IG na kuha during last week’s showdown.
“This is us during the announcement of the final four! Again, it wasn’t easy being part of the jury but we had so much fun doing it. 8 amazing performers every weekend! Hats off to all of you!
“To those who sent their sweet tweets, thank you from the bottom of our hearts. Don’t forget to watch the Final Showdown next weekend, June 6 & 7, live at Resorts World! (Photos from Tita @angelipv) @yourfaceph #YourFaceSoundsFamiliar!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.