Jackpot sa Grand Lotto 6/55 bukas aabot na sa P191M

grand-lotto
Posibleng umabot sa P191 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola mamayang gabi.
Ito ay matapos na hindi tamaan ang P182.2 milyong jackpot prize sa bola noong Lunes ng gabi kung saan lumabas ang mga numerong 06-26-02-37-23-05.
Umabot sa P44.2 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P49,130 ang 44 mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas. Tig-P670 naman ang 2,552 mananaya na naka-apat na numero at balik-taya (P20) ang 43,892 mananaya.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.
Huling tinamaan ang jackpot prize nito noong Marso 4 kaya lumaki na ang premyo.
Sa bawat P1 itinataya sa lotto, 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi sa gastusin sa operasyon nito.

Read more...