Operasyon sa lalamunan ni ate Guy sa US napurnada na naman

nora aunor

Hindi na naman pala matutuloy ang operasyon ng Superstar na si Nora Aunor sa Amerika.

Dapat sana’y sa July 10 sasailalim sa throat operation si ate Guy ngunit nagdesisyon ang award-winning actress na huwag muna itong ituloy dahil sa dami ng kanyang trabaho.

Bukod dito, nais din daw kasing um-attend ng Superstar sa 38th Gawad Urian Awards para personal na tanggapin ang kanyang Lifetime Achievement Award sa June 16, kung saan nominated din siya sa Best Actress category para sa pelikulang “Dementia”.

Sa Agosto na raw magtutungo sa Amerika si ate Guy para sa operasyon ng kayang lalamunan.

Read more...