MATAPOS maghiwalay noong 2007, napanatili ng dating magdyowa na sina Erik Santos at Rufa Mae Quinto ang kanilang friendship.
Maraming natuwa nang makita uli na magkasama sina Erik at Rufa Mae, ito’y sa nakaraang birthday celebration nga ng Kapuso comedienne na ginanap sa The Palace Pool Club.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Rufa Mae ang ilang larawan na kuha sa kanyang 37th birthday (May 28) party na dinaluhan nga ng malalapit niyang kaibigan, kabilang na ang kanyang mga friends sa showbiz .
Isa na nga rito ang litrato niya kasama si Erik ang kaibigang direktor na si GB Sampedro na nilagyan ni Rufa Mae ng caption na: “It’s your birthday also! Happy birthday Direk @gbsanpedro @eriksantos @hellokiffy and forever greatest. thanks again for being there…Always!”
In fairness, ang daming nag-like at nag-comment na followers nina Rufa Mae at Erik nang makita nila ang picture. Ayon sa ilang nagkomento, nakatutuwa raw na kahit hindi nagkatuluyan ang dating magkarelasyon ay nanatili pa rin silang magkabigan na bihirang nangyayari sa naghihiwalay na magdyowa.
Sa ngayon, mukhang masaya na si Erik sa kandu-ngan ng kanyang rumored girlfriend na si Angeline Quinto habang wala namang masyadong balita tungkol sa lovelife ni Rufa Mae. Ang huli naming nabalitaan ay may dine-date ngayon ang ko-
medyana pero hindi lang namin sure kung dyowa na niya ito ngayon.Na-notice lang namin, mahilig ba talaga si Erik sa babaeng malulusog ang boobs? Aba, pansinsin n’yo, parehong nagmumura ang dibdib nina Rufa Mae at Angeline!?
Anyway, ang ilan pang nakisaya sa birthday celebration ni Rufa Mae ay ang mga kasamahan niya sa gag show ng GMA 7 na Bubble Gang tulad nina Sam Pinto at Gwen Zamora. Nandoon din sina Vice Ganda, Antoinette aus, Polo Ravales at marami pang iba.