Jessy Mendiola miss na miss na si JM de Guzman

jessy mendiola

Hindi napigilan ni Jessy Mendiola ang kanyang pagka-miss sa dyowang si JM de Guzman. Mukhang matagal nang hindi nagkikita ang dalawa kaya naman sa Instagram idinaan ng Kapamilya actress ang kanyang emosyon.

Isang litrato ni JM ang ipinost ni Jessy sa kanyang IG account na may caption na: “Pssst. Miss na kita.”  Ilang followers naman ng dalaga ang kinilig sa mensahe ni Jessy.

Pero may ilan pa ring bashers ang nagsabi na ginagamit lang daw ni Jessy si JM para sumikat uli. Hindi pa rin daw nila nakakalimutan ang ginawa nitong pagwasak sa buhay ni JM noong iwan nito ang aktor.

Pero sabi naman ng ilang tagapagtanggol ng aktres, naniniwala sila na totoo ang pagmamahal ni Jessy kay JM kaya sana ay tigilan na ang pangnenega sa magdyowa dahil wala naman daw ginagawang masama sa kanila ang dalaga.

Samantala, totoong super busy ngayon si Jessy dahil bukod sa indie movie na ginagawa niya (True Story), may gagawin din siyang espesyal na episode para sa Maalaala Mo Kaya.

Sabi pa nga ni Jessy, “From MMK to True Story shooting. Yaaaas, Segue girl. No sleep but happy. #kuracha Thank you Lord sa trabaho.”

Dugtong pa nito, “First time ko gumawa ng indie film at nagpapasalamat ako na sila ang mga kasama ko sa unang sabak ko. Unang beses akong si-nabihan ng “Go crazy” grabe idols! Such a liberating experience. #TrueStory!”

At bukod dito, kasama rin si Jessy sa bagong serye ng ABS-CBN na Will Never Say Goodbye kasama sina Dawn Zulueta at Richard Gomez.

Read more...