10 senador pumirma na sa draft report vs Binay

Binay

Binay


UMABOT na sa 10 mga senador ang pumirma sa isang draft report na nagrerekomenda sa pagsasampa ng plunder laban kay Vice President Jejomar Binay at iba pang personalidad kaugnay ng umano’y overpriced na Makati City Hall 2 parking building.
Kabilang sa mga pumirma ay sina Miriam Defensor-Santiago, Francis Escudero, Pia Cayetano, Grace Poe, Alan Cayetano, Antonio Trillanes IV, Aquilino “Koko” Pimentel III, Sergio Osmeña, Bam Aquino at Teofisto Guingona III.
Sinabi ni Escudero na dalawa ang rason kung bakit siya pumirma sa draft report.
“First, the evidence cited by the committee is to my mind, sufficient to justify the recommendation to file the cases mentioned. And second, in order to afford the named persons the opportunity to answer the allegations against them in their chosen forum, the courts, since they refuse to participate in the Senate and have been saying that they will answer in the proper forum,” sabi ni Escudero.
Kinampanya ni Escudero si Binay noong 2010 nang siya ay tumakbo bilang bise presidente.
Bukod kay Binay, kasama rin ang kanyang anak na si Makati Mayor Junjun Binay sa pinapakasuhan ng plunder . Inquirer.net

Read more...