Nyoy, Jay-R, Melai, Edgar pasok sa Final 4 ng ‘YFSF’

your face

WALA kaming violent reaction sa lumabas na Final 4 ng reality talent show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar.
Deserving sina Nyoy Volante, Jay-R, Melai Cantiveros at Edgar Allan Guzman na maglaban-laban para sa final showdown ngayong darating na weekend.

Buti na lang hindi nakapasok sa top four ang isa sa mga kinaiinisan naming contestant. Ha-hahaha! Anyway, sa huling showdown bago ang grand finale sa Sabado, si Nyoy ang nagwagi matapos gayahin ang tenor na si Luciano Pavarotti kung saan binigyan siya ng standing ovation ng tatlong judges.

Siya ang nag-uwi ng P100,000 cash prize, at kalahati nga nito ay ibibigay ni Nyoy sa kanyang chosen charity, ang Anawin Lay Mission Foundation.

At dahil nga rito, isa siya sa nakapasok sa Final 4 along with Jay R, Melai and Edgar Allan. Sa 12 linggong labanan, nakakuha si Nyoy ng total score of 257 na sinundan ni Jay R with 246 points.

Nag-tie naman sina Melai at EA with 202 points. Si Jolina Magdangal naman ang nasa ikalimang pwesto with 187 points, followed by Karla Estrada with 181. 6Cycle Mind vocalist Tutti Caringal has 178 points in total, while Maxene Magalona had 131.

Magaganap ang grand showdown ng Your Face Sounds Familiar sa Sabado sa Resorts World Manila.

Read more...