Kalat na: Bossing pakakasalan si Pauleen bago matapos ang 2015

pauleen luna

Inaasahan na nga ng mga loyal dabarkads na bago matapos ang 2015 ay magpapakasal na sina Pauleen Luna at Vic Sotto.

Balita kasing naghahanda na ang dalawang hosts ng Eat Bulaga sa mangyayaring kasalan. Isang senyales daw nito ay ang pag-imbita ni Bossing sa mga magulang ni Pauleen na sumama sa pagbabakasyon ng buong dabarkads ng Eat Bulaga sa Hong Kong ngayong June 4.

Sa ulat ng Startalk nu’ng Sabado, mismong si Vic daw ang nag-invite sa parents ni Pauleen para sumama sa HK. Ang trip na ito ng Dabarkads ay post-birthday treat ng Eat Bulaga big boss na si Tony Tuviera kay Bossing na nagdiwang ng kanyang ika-61 kaarawan noong April 28.

Ngunit sa isa pang panayam dinenay nina Vic at Poleng ang chika na balak na nilang magpakasal sa Hong Kong, at ipinagdiinan na bakasyon lang ang gagawin nila roon.

Tinanong naman ng mga co-host niya sa programa ng GMA 7 si Joey de Leon na kasamahan ni Vic sa EB kung may alam siya tungkol sa planong pagpapakasal nina Bossing at Poleng, ani Joey, “Bakasyon ng Eat Bulaga pero hindi ko alam kung masosorpresa kami do’n,” na sinundan ng malakas na pagtawa.

So, let’s just wait and see kung totoo nga ang mga bali-balita na magaganap ang wedding nina Pauleen at Vic bago matapos ang taon.

Read more...