Rhian, Glaiza pinatapang ang mga tomboy na ‘nagtatago’

rhian ramos

MARAMING nakaka-relate na mga lesbian sa GMA Telebabad series na The Rich Man’s Daughter, lalo na yung mga hindi pa rin magawang ibandera sa buong mundo ang kanilang tunay na pagkatao.

Pero dahil nga sa serye nina Rhian Ramos, Luis Alandy at Glaiza de Castro, ilan sa kanila ang siguradong maglalakas-loob nang mag-come out at magpakatotoo sa kanilang tunay na kasarian.

At sa pagpapatuloy ng TRMD, narito ang kailangan n’yong abangan ngayong Lunes ng gabi after Let The Love Begin.
Magugulat sina Pearl (Pauleen Luna) at Yaya Luisa dahil nakatakas si Jade (Rhian).

Hahanapin ni Jade si Althea (Glaiza de Castro). Sasabihan niya ang babae na sasama na ito sa kaniya. Galit si Oscar (Al Tantay) to find out na tinakasan ni Jade sina Pearl at Yaya Luisa.

Hindi naman makapaniwala si Jade sa ginawa niyang pagtakas—pero hindi rin niya mapigilan ang ligayang nararamdaman.
Magagalit si Amanda (Glydel Mercado) to learn na si Paul (Mike Tan) ang nagsabi kay Jade tumakas.

Paul explains to Amanda na gusto niyang ma-experience ang bagay na hindi nila dinanas ni Gabriel (TJ Trinidad) —ang chance na makilala ang sarili, outside the family’s expectations. Magiging masaya si Jade with Althea.

Samantala, kokomprontahin ni Pearl si Gabriel about what she learned—na may dinalhan ito ng grocery items; bagay na ipaliliwanag ni Gabriel as his way of helping Paul. Magi-guilty si Pearl for thinking badly of her husband.

Windang sina Wila (Katrina Halili) at Batchi (Chynna Ortaleza) to learn na sa condo na ni Althea nakatira si Jade. Hihingi ng tulong sina Amanda kay Sally (Sheena Halili) para hanapin si Jade.

Mangangako si Jade kina Wila at Batchi na paninindigan niya si Althea —no matter what. Pipilitin ni Wila tanggapin na parte na ng buhay ni Althea si Jade—pero pagbabantaan niya pa rin ang huli, in case may balak itong saktan ulit si Althea.

Magugulat si Pearl to find out na si Althea pala yung kaibigan ni Jade na bumisita sa ospital. Dadalhin ni Althea si Jade sa office niya para i-brief sa mga gawain doon. Magugulat si Jade when Althea introduces her as her girlfriend.

Read more...