Barbie kinakawawa ng GMA; Janice ma-appeal sa bagets

barbie forteza

Tila inutil ang GMA Artists Center at maging ang corporate communication ng GMA 7 dahil hindi nila hina-hype ang Gawad URIAN nomination ni Barbie Forteza who is being nominated as pinakamahusay na pangalawang aktres for her performance sa “Mariquina”.

Kung iyong activities ng ibang starlets ng Siyete ay nakasulat kaagad like ang pagbi-birthday nila with indigent kids, bakit wala ni isa mang publicity for Barbie’s clinching a Gawad URIAN nomination? Ang feeling ba ng corporate communication ng GMA ay isa lamang itong maliit na achievement?

We couldn’t help but pity Barbie. Siya na ang nagbibigay ng karangalan sa mga bagets na artista ng Siyete pero wala pa rin palang halaga iyon sa kanila.

Hindi talaga marunong mag-promote ng artist ang mga taga-Siyete. Hindi nila alam kung kailan dapat mag-ingay, kung kailan dapat tumahimik at kung kailan dapat umaksyon.

Unfair daw para sa sister niyang si Janice de Belen ang ma-link sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Maja Salvador. ’Yan ang say ni Gelli de Belen as a reaction to rumors na ang sister niyang si Janice ang third party sa Maja-Gerald break-up.

Obviously, na-hurt si Gelli sa chismis. Actually, naiintindihan naming siya dahil kapatid niya ang sangkot sa intriga. Pero dapat niya ring unawain na nagsimula ang lahat sa extra-closeness nina Janice at Gerald.

Many people observed that how can Janice, nanay to her four kids and lola to the anak of Luigi, be close to Gerald who’s old enough to be her son.

Matagal na sa showbiz si Janice and the men in her love life in the past were all mas bata to her, which account to more intrigues.Hindi ba’t mas bata si John Estrada sa kanya? Kaya ‘wag magtaka itong si Gelli kung bakit naiintriga ang closeness ng kapatid niya kay Gerald.

Read more...