Annabelle kinontra si Eddie: Ang kaligayahan ay pera, that’s it!

annabelle rama

Para kay Annabelle Rama, mas mahalaga pa rin ang kayamanan sa buhay ng isang tao. At iyan ang gusto niyang ipaunawa sa anak na si Ruffa Gutierrez na “kaaway” niya ngayon dahil sa pakikipagrelasyon sa isang foreigner na aniya’y isang “PG” o patay gutom.

Tutol na tutol kasi ang talent manager sa boyfriend ni Ruffa, dapat daw ay maghanap ang panganay na anak ng isang lalaki na mabibigyan siya ng magandang buhay, pati na rin ang kanyang mga anak.

Sa nakaraang presscon ng family reality series na It Takes Gutz To Be A Gutierrez, harap-harapang kinontra ni Annabelle ang asawang si Eddie Gutierrez na nagsabing karapatan din ni Ruffa na maging maligaya sa piling ng lalaking minamahal niya.

Pero aniya, wala siyang kinakampihan sa dalawang babae sa kanyang buhay, “Ruffa has a life of her own. Dapat namang mag-enjoy siya sa buhay niya.”

Pero agad itong kinontra ni Bisaya, “Eduardo, wala namang kuwenta ang enjoyment. Ang enjoyment ay money, that’s it!” Kaloka, talaga si Bisaya, di ba? Pero in fairness, may point naman, siya di ba? Aminin n’yo! Ha-hahaha!

At naiintindihan naman namin kung saan nanggagaling ang mommy ni Ruffa, isa siyang ina na walang hinangad kundi ang mapabuti ang kanyang anak.

Marahil ay talagang wala siyang makitang magandang quality kay Jordan Mouyal para magustuhan niya for her daughter. Anyway, abangan n’yo na lang ang pagsisimula ng bagong season ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez sa The Filipino Channel ngayong Hunyo dahil dito raw mapapanood ng buong mundo ang “confrontation scenes” nina Ruffa at Annabelle.

Read more...