Toni napaiyak sa bridal shower na ibinigay ng ASAP

toni gonzaga

Napaiyak si Toni Gonzaga nang bigyan siya ng bridal shower ng kanyang mga kapamilya sa ASAP 20 kahapon, ilang linggo bago ang kasal nila ni direk Paul Soriano.

Ilan sa mga kumanta para kay Toni ay sina Piolo Pascual, Sam Milby, Martin Nievera, Gary Valenciano at anak nitong si Paolo.
Sey ni Gary natutuwa siya na maging tulay sa pagmamahalan nina Toni at Paul na nagsimula nga nang magkita ang dalawa sa kanyang 23rd anniversary concert.

Sey naman ni Piolo, “Ang wish ko para kay Tin, sana successful ka sa lahat ng pasukan mo. I know for sure, successful din ang magiging marriage mo.”

Chika naman ni Sam, “So I’m so happy na she has found her love team na pang-forever na. Congratulations, Toni.” “Thank you very much ‘ASAP.’ First time ko maging emotional na ganito.

It’s overwhelming. I’m entering a new chapter in my life. I know that God will lead me along the way and everything will go well. I’m just so excited for this new chapter,” pasalamat naman ni Toni.

Read more...