Hindi naman kawalan at hindi rin makakasira yun sa show ko! – Vice

vice ganda

Dedma lang pala si Vice Ganda sa ginawang pagwo-walkout ni Jake Cuenca sa taping ng Gandang Gabi Vice kamakailan.
Wala raw siyang maibibigay na reaksiyon o komento tungkol dito.

Sey ni Vice sa isang TV interview, “Trip niyang mag-walkout, e, di mag-walkout siya. Hindi naman ako affected.” Dugtong pa ng TV host-comedian, “Hindi ako nainis kasi kung trip niyang mag-walkout, e, di ‘wag. Hindi naman ‘yun makakasira sa show ko, hindi naman ‘yun kawalan.”

Kamakailan sa presscon ng bagong serye ni Jake sa ABS-CBN na Pasion de Amor, sinabi nitong nag-sorry na siya kay Vice at nagpaliwanag tungkol sa walkout incident.

Anang aktor, kinailangan niyang umalis sa studio dahil nasa audience nga ang kanyang ex-girlfriend na si Chanel Olive Thomas, na kabilang sa Miss Earth Philippines 2015 candidates.

Ayaw naman daw niyang ma-on the spot sila ng kanyang ex-dyowa on national TV dahil nirerespeto pa rin niya ang girl. Sey naman ni Vice, “Nag-text siya sa akin siguro after a few days, after a week kung puwede akong makausap.

“Hindi ko naman mae-entertain dahil busy na ako sa concert. Saka sabi ko, wala namang dapat pag-usapan, hindi naman ako na-affect sa pagwu-walkout niya,” sey pa ni Vice sa nasabing panayam.

Read more...