Ogie umaming nagkainitan dahil kay Manilyn

janno gibbs

Inamin ni Ogie Alcasid na talagang nagkaroon ng “labanan” sa pagitan nila ni Janno Gibbs. Magkasama ngayon sa bagong Sunday noontime show ng TV5 ang dalawa, ang Happy Truck Ng Bayan na mapapanood na simula sa June 14, 11 a.m.

Matagal ding hindi nagkasama sa isang proyekto ang magkaibigan simula noong lumipat sa TV5 si Ogie. At ngayon ngang nasa Singko na rin si Janno, super excited na ang dalawa sa reunion project nila.

Natanong si Ogie sa presscon kamakailan ng nasabing TV5 show kung hindi ba siya natatakot na mabuhay muli ang rivalry nilang dalawa ni Janno. Tugon ng mister ni Regine Velasquez, “Siguro nu’ng bata pa kami, oo.

Alam mo nu’ng bata pa kami siguro we were really pitted against each other lalo na dahil kay Manilyn Reynes. “Pero ngayon nasa 30s na kami, we’re past that na,” natatawang chika pa ni Ogie.

Dugtong nito, proud siya ngayon kay Janno dahil muli nitong binuhay ang kanyang passion sa paggawa ng kanta, “You know, I’m glad that you pointed out that Janno is writing songs again.

Natutuwa ako sa kanya. Strength niya talaga magsulat ng kanta. I’m happy that he’s writing songs.” Isa pa sa dapat abangan sa bagong Sunday show ng TV5 ay ang musical collaboration nina Janno at Ogie, “Siyempre gusto naming kumanta.

Matagal na kaming ‘di kumakanta together.“Ewan ko kung naaalala n’yo ‘yung segment namin noon sa SOP. Maganda ‘yung portion na ‘yun. We’re trying to revive that in a way na maiba ng konti.

Kasi na-miss ng tao ‘yung kumakanta kami, kaya ‘yan ang isa sa dapat nilang abangan sa Happy Truck Ng Bayan,” kuwento pa ni Ogie da Pogi.

Read more...