‘Nabingi kami sa sigawan at padyakan sa concert ni Darren Espanto!’

darren espanto

Watched Darren Espanto’s first major concert at the MOA Arena last Friday.

Talaga palang maraming fans itong si Darren who trooped to the venue in droves. Nabingi kami ni Alwin Ignacio sa hiyawan as the concert was about to start.

Although hindi napuno ni Darren ang venue dahil maraming butas na area, hindi naman masasabing flopey ang concert niya dahil about 85% ang audience.

Nang finally ay nagsimula na ang concert, nabingi kami ni Alwin sa hiyawan. Pinagsamang sigaw, hiyaw at tili ang sumalubong kay Darren, proof na talagang sikat na siya.

In one part of the concert where he sang his hits, nakikanta ang audience. Magaling din ang mga guests niyang sina Mitoy, Jason Dy, Alisah Bonaobra, Robi Domingo and of course, Bimby.

Proud mama itong si Kris Aquino na clap nang clap sa dance number ni Bimby with Darren. Nag-perform din ang parents at younger sister ni Darren.

For the finale, Darren sang his The Voice finale number, ang “Ngayon”. Kung hindi kami nagkakamali si Darren ang youngest Pinoy performer na nakapag-concert sa MOA Arena.

Read more...