Kerida na yayaman | Bandera

Kerida na yayaman

Joseph Greenfield |May 31,2015
facebook
share this

Kerida na yayaman

Joseph Greenfield - May 31, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Angie ng Sihayon, Tagoloan, Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
Sa kasalukuyan ay may kinakasama akong lalaki na pamilyado at may asawa na. Ganoon pa man, regular din siyang umuuwi sa akin kaya kung tutuusin para na rin kaming mag-asawa at may isang anak na kami.
Kaya lang minsan ay inaalala ko ang aking kalagayan kung habang buhay na ba akong ganito patago-tago at palipat-lipat kami ng apartment upang huwag daw makahalata ang asawa niya. Talaga kayang mahal ako ng lalaking ito at kapag daw siya nakipaghiwalay na sa kanyang legal na asawa malaya na raw kaming magsasama pero ang inaaala ko ay kailan pa kaya mangyayari iyon? Kung makikipaghiwalay ako sa lalaking ito may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa ng binata at makaranas na maikasal? November 4, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Angie ng  Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May bilog sa unanghang bahagi ang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin nito hindi pangkaraniwan ang magiging karanasan mo sa pag-ibig at pag-aasawa at ang hindi pangkaraniwang ito ay kasalukuyan nang nangyayari sa iyong buhay – maging kabit ka o kerida.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Eight of Spades at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung mapera at mabait naman pala ang kinakasama mo sa kasalukuyan kahit na siya ay pamilyadong tao. Mas mainam na ngayon palang mag-ipon ka na ng maraming pera habang kasama mo siya, upang kung sakaling dumating ang araw ng inyong paghihiwalay ay mabigyan mo ng “future at security” ang sarili mo at ang kaisa-isa ninyong anak.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending