COGIE tatay na, tumangging pangalanan ang ina ng baby | Bandera

COGIE tatay na, tumangging pangalanan ang ina ng baby

|August 12,2012
facebook
share this

COGIE tatay na, tumangging pangalanan ang ina ng baby

- August 12, 2012 - 04:17 PM

Ipinanganak ang bata sa kasagsagan ng  baha

NAKA-SCOOP ang Ang Latest kahapon, sa kanila kasi umamin si Cogie Domingo na isa na siyang ama.

Isinilang ang baby girl ni Cogie sa childhood sweetheart niyang non-showbiz.

Si Nay Cristy Fermin ang nagbukas sa isyung ito at hindi naman ito itinanggi ng aktor nang makausap siya sa telepono kahapon sa live episode ng Ang Latest sa TV5.

Masaya ang tinig ni Cogie habang tinatanong siya tungkol sa bagong silang niyang anak.

“Ha-hahaha! Alam na ng madla!” tumatawang bungad ng aktor.

Narito ang naging takbo ng interview ng Ang Latest kay Cogie.

Nay Cristy: “Ano na ang pakiramdam mo ngayon?”Cogie: “Hindi ko po alam, talagang mixed emotions ako at kamukha (ko) naman daw po.”

Nay Cristy: “Napakaguwapo, babae o lalaki?”

Cogie: “babae po, baby girl”

Nay Cristy: “Napakagandang bata. Anong pangalan?”

Cogie: “Rhianna po.”

Nay Cristy:  “Rhianna, naku, ikaw na si Mr. Brown (ex-boyfriend ng singer na si Rhianna).

Cogie: “Opo, kasi ipinanganak po siya umuulan, eh.”

Nay Cristy: “Ah, oo nga naman, Rain, Rain siguro palayaw ng bata?”

Cogie: “Opo.”

Nay Cristy:  “Anak, kumusta naman ang aking manugang ngayon? Nagpapahinga na ba? Nakabawi na ba sa nawalang lakas?”

Cogie:  “Ah, okay naman po siya, nagpapahinga naman po.”

Mr Fu: “Puwede ba nating pangalanan kung sino ‘yung nanay? Kung sino ‘yung masuwerteng ina (ng bata)?”

Cogie: “Huwag na muna po para medyo private muna siya, nahihiya siya, eh.”

Nay Cristy: “Oo nga, pero balita namin ay childhood sweetheart mo at nagkahiwalay sila ng matagal na panahon at nang magkita uli.

Alam mo pag nagmamahalan talaga, bumabalik ‘yun, eh, di ba (Cogie)?

Cogie: “Opo, opo.”

Nay Cristy: “Cogie, isang malaking inspirasyon sa iyo ang batang ito, hindi ba? Ano na ang mababago sa buhay mo ngayon at karera?

Cogie: “Naku, marami po, para sa akin po, lahat ibibigay ko para mabigyan ng magandang kinabukasan, para sa bata po.”

Nay Cristy: “Wow, ibang-iba ka na talaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, nakakadalawang linggo pa lang ang programa ay marami na agad itong pinapuputok na balita.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending