MARAMING natuwa at bumilib kay Kris Aquino, pati na rin kina Angel Locsin at Iza Calzado dahil sa ginawa nilang pagtulong sa mga nasalanta ng baha, lalung-lalo na ang mga taga-Valenzuela.
Ayon sa mga residente doon, hindi raw nila akalaing magagawang lumusong sa tubig-baha ang tatlong celebrities para lang maibigay ang mga relief goods na dala-dala nila para sa mga residente sa Malanday, Valenzuela.
Akala raw kasi nila ay hindi na matutuloy ang relief mission nina Kris dahil nga hanggang kahapon ay hanggang hita pa ang baha sa ilang lugar sa Valenzuela, pero nagulat sila nang magdesisyon sina Kris, Angel at Iza, kasama ang ilan pang volunteers na ituloy ang pamimigay ng relief goods.
Talagang lumusong sa hanggang hitang baha ang tatlong celebrities kaya raw mas lalo silang hinangaan ng mga tagaroon. Feeling naman nila sincere ang ginawang pagtulong ng tatlong aktres sa kanila.
Sabi nga ng isang kakilala naming taga-Valenzuela, “Actually, kahit nga wala silang dalang relief goods, ‘yung makita lang sila ng mga tao na nakikisimpatya sa kanila, kay na.”
Dagdag pa nito, “Kasi ang katwiran nila, mauubos ‘yung mga food. mga damit at mga gamot na ipinamigay nila, pero ‘yung makita sila na lumulusong din sa baha para lang mabigyan sila ng suporta, ‘yun daw ang hinding-hindi nila makakalimutan.”
Oo nga naman! Korak na korak!
Actually, pangalawang beses na ni Kris na mamigay ng relief goods, una ay sa Marikina kasama ang kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino at ito ngang sa Valenzuela.
Sa kanyang Twitter, talagang taos-puso ang pasasalamat ni Kris sa lahat ng kanyang sponsors, pati na rin kina Anne Curtis at Vice Ganda, at siyempre kina Iza at Angel sa pagbibigay ng kanilang tulong.