KALIWA’T kanan ang mga nasulat tungkol sa mga kilalang personalidad na tumulong sa mga binaha pero wala sa mga nababalita ang pangalan ni Lovi Poe na isa rin pala sa namahagi ng tulong.
Sinadya pala ng aktres na hindi niya ito ipaalam sa iba, “It’s a good feeling na nakatulong ka, I also did my share, pero ayoko na lang mag-elaborate kung saan at kung kanino, akin na lang po iyon,” naka-ngiting sabi ni Lovi sa grand presscon ng horror movie ng Regal Entertainment na “Guni-Guni” na tinagurian na ngayong Sexy Horror Princess.
Mukhang nalilinya nga ang aktres sa mga ganitong klase ng pelikula tulad ng “Aswang”, “White House” at “Shake, Rattle & Roll”.
Kaya natanong ang aktres kung paano niya naiiba-iba ang style niya pag-arte.
“Natutunan ko kay direk Gerald (Tarrog) when I did ‘Aswang’, sabi niya para maging effective ang role ko as aswang, I have to think that I’m an animal. At dito naman sa ‘Guni-Guni’, I’m thinking that I’m a psycho person, na my dark side.
“It’s about the personality ng tao. Hindi lang siya nakakatakot lang o may ghost lang.
It’s a kind of horror film wherein hindi mo alam kung ghost ba ‘yung nagha-haunt sa ’yo o tao, totoo ba yung guni-guni o nasa isip mo lang ‘yon,” paglalarawan ni Lovi.
Idinirek ni Tara Illenberger ang “Guni-Guni” na tumatalakay sa abortion kaya naman naitanong si Lovi kung ano ang naging dating ng mga eksena para sa kanya, “May eksenang very sensitive and it’s just difficult that women go through.
Women have to take care of themselves talaga,” kuwento ng dalaga.
And for the nth time ay muling tinanong si Lovi kung kailan siya puwedeng magkaroon ng boyfriend dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin daw niya karelasyon si Jake Cuenca maski na super close sila ngayon.
“You know if given a chance, why not, pero wala, eh.
With my work din, parang mahirap ding mabigyan ng time and stuff. It’s basically hard to trust a man.
Ha-hahaha! Wala lang,” katwiran ni Lovi.
“Of course, I’m free na dating, but nothing serious, just hanging out. Ito na muna, ang career ko unahin ko, masyado akong serious before,” dagdag pa.
Hindi naman daw porke’t loveless siya ay hindi na siya masaya, “You can get a lot of inspiration with other things.
Doon ko rin na-realize na maraming nagpapasaya sa aking bagay.
Like, my work now, the more na napagkakatiwalaan ako sa magagandang proyekto, mas lalo akong nai-inspire na magtrabaho at gawin ‘yon nang mabuti.
Mas masarap kasi na maging alone first before you be with someone,” diretsong sabi ng dalaga.
Napagod na ba si Lovi magmahal kaya pinahihirapan niya si Jake? “Ay, no naman.
Si Jake ay close sa akin, it’s nothing to do with him.
My neighbor’s wife. Ha-hahaha! (pareho sila ng condominium building),” napahalakhak na sabi ng dalaga.
Mahirap daw maging sila ni Jake dahil busy din ito sa career niya, “He has two soaps din, di ba? So it’s hard talaga.”
Pero ang bentahe ni Lovi ay naipakilala na siya ni Jake sa magulang nito bagay na alam naman ng lahat na kapag ipinakilala ng lalaki sa magulang ang babae ay iisa ang ibig sabihin, seryoso ito sa kanyang hangarin, “Ah, yes, I met na, I think sa…ha-hahaha! Basta, ayoko na.
Tama na,” tumatawang sagot ng aktres.
Kaya ang tanong namin ay kung nagsabi na ba si Jake ng, “I can wait forever?” Sagot ni Lovi, “Wala akong sineseryosong words from man, when they say things or anything, wala akong sineseryoso talaga.”
Ginagawa ni Jake ang lahat para kay Lovi at sa katunayan ay very open siyang aminin na gusto at seryoso siya kay Lovi at willing talaga siyang maghintay. “Really? Ang sweet naman niya, sweet talaga.”
Samantala, si Benjamin Alves ang leading man ni Lovi sa “Guni-Guni” at sa tanong namin kung posibleng ma-develop siya sa baguhang aktor, “Let’s see,” kaswal na sabi ng aktres.
Ipalalabas na sa Agosto 22 ang “Gun i-Guni”.