HERBERT pinagmumura, nilait-lait sa FACEBOOK

Dahil sa ‘chakang’ pahayag sa mga biktima ng baha

Umani ng batikos sa Facebook ang sinabi raw ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na iniisip pa nila kung pakakainin nila ang mga evacuees sa evacuation center dahil baka kapag ginawa nila ‘yon ay baka raw hindi na raw umalis ang mga ito.

Marami ang nagalit dahil sa sinabi ni Mayor Bautista.

Hindi namin napanood ang interview kung saan sinabi ni Mayor Bautista ang statement niyang iyon pero mabilis na itong kumalat sa internet particularly sa Facebook.

Napamura pa nga ang ilan sa mga nakita naming comment sa Facebook at halatang galit na galit.

Sabi pa ng isang nag-comment, bakit pa raw sine-save ang mga evacuees kung gugutumin lang naman sila.Sabi naman ng isa, nakakagalit na ang sinabi ni Mayor Bautista, “Grabe. Wala akong masabi.”

“Wow naman…me wisdom????” tili ng isa.

Feeling naman namin ay napatawa lang ang isang nag-comment. “Eh, di… let them EAT BISTEK!” say niya.

Kilala kasi si Mayor Bautista sa kanyang nickname na Bistek.

Ano kaya ang masasabi ni Mayor Bautista dito? Any comment, mayor?

Read more...