Mariel sa paglayas ni Robin sa Pinas: Sasama po ako sa kanya!

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

Palaisipan sa amin kung babalik pa si Robin Padilla ng bansa kapag natuloy siyang umalis sa Hunyo 15 patungong Espanya para hanapin daw ang roots ng kanyang mga ninuno.

Hindi kasi kami sinagot ng asawang si Mariel Rodriguez nang tanungin namin siya kung kailan ang balik nila sa Pilipinas.

Sabi lang ng misis ni Robin, “Sinusuportahan ko si Robin sa lahat ng ginagawa niya, kaya kung decided na siyang umalis ng bansa for good, I have to go with him.”

“No idea kung til when, pero babalik naman, kasi hindi ko alam kung gaano katagal o kabilis (yung pag-trace ng roots), matagal na nga itong nade-delay, kasi nga may mga show ako.”

Ang sinasabing bagong show ni Mariel ay ito ngang Happy Truck Ng Bayan, excited na raw ang TV host-actress dahil pawang may “happy” ang titulo ng mga programa niya tulad ng Happy Wife Happy Life kasama naman sina LJ Moreno-Alapag at Danica Sotto-Pingris.

Kuwento ni Mariel ay noong Abril dapat sila aalis pero naurong ng Mayo dahil nga sa mga commitment nila, “Kaya nga nagbabangko ako, advanced taping, now four times ako nagte-taping sa Happy Wife, Happy Life. At saka rito sa Happy Truck Ng Bayan, I’ll be absent for a while.

“Very supportive naman sila (TV5) kasi nu’ng kinonsider nila ako for the show, nagsabi ako na aalis ako, and pumayag sila,” sabi pa ni Mariel.

Hindi ba siya natatakot mawalan ng career sakaling sa ibang bansa na sila manirahan ni Robin? “Di ba nga nu’ng nagpakasal ako, iniwan ko lahat, ngayon pa ba ako matatakot?”

Inamin ni Mariel na tulad din ng asawa niya ay disappointed siya sa nangyayari sa bansa natin, “Bakit, kayo ba hindi? Lalo na ngayon nakikita ko talaga ang poverty, kasi umiikot ako sa Happy Wife kaya nakikita ko, mas lalo na siguro kapag nag-Happy Truck ako, ramdam na ramdam ko talaga ang poverty,” paliwanag ni Mariel.

Sabi pa ni Mariel, “I’m the follower, he’s (Robin) the boss.”

Read more...