Kathryn binaboy, mga pekeng nude photo kumalat sa Social media

KATHRYN AT MOMMY MIN BERNARDO

KATHRYN AT MOMMY MIN BERNARDO

Ni Alex Brosas

MISTULANG binaboy si Kathryn Bernardo nang maglabasan ang kanyang fake nude photos sa social media.

Mayroon talagang matinding galit ang nagpakalat ng nude photo ni Kathryn at talagang gusto niyang sirain ang dalaga.

Naimbiyerna nang husto ang mother ni Kathryn na si Min Bernardo sa leaked nude photos scandal.

“Happy ba kayo sa mga ginagawa nyo? Ano ba napapala nyo, kumikiTa at sumisikat siguro kayo? Ano naman ang susunod?

Sana huag kayong makarma,” tweet ni Mommy Min bilang reaction sa pagkalat ng pekeng nude photo ng anak.

Siyempre pa, nakisawsaw rin ang mother ni Daniel Padilla na si Karla Estrada. Meron ding siyang kiyaw-kiyaw sa kanyang Twitter account.

“WALA TAYONG MAKUKUHANG RESPETO SA TAONG WALANG RESPETO SA SARILI. Tandaan mo digital na karma ngayon…Ingat!” tweet ni Karla.

“WAG MAINGGIT NAKAMAMATAY! #pahabol,” dagdag pa ng madir ni Daniel.

Sino kaya ang nagpakalat ng fake nude photo ni Kathryn?

Samantala, tiningnan namin ang Twitter account ni Daniel pero wala pala siyang reaction sa pagkalat ng fake nude photos ng kanyang kapareha. Parang deadma lang siya. His last post was dated May 25, urging everyone to watch the pilot episode of his and Kathryn’s soap opera.

With this, in-assure naman ng KathNiel fans na 100% pa rin ang suporta nila kay Kathryn sa gitna ng iskandalong ito.

It was reported din na sobrang dinibdib ng young actress ang pagkalat ng fake nude photos.

Read more...