Kris minalas ang kasal kay James: Nanood kasi kami agad ng sine, first date pa lang!

kris aquino

Maling-mali raw ang desisyon ni Kris Aquino noon nang pumayag siyang manood ng movie sa unang date pa lang nila ng dating asawang si James Yap, ang tatay ng bunso niyang anak na si Bimby.

Sa episode ng Kris TV kahapon, sinabi ng bago niyang co-host na si Ramon Bautista na hindi maganda ang manood ng pelikula sa unang date pa lang.

Chika naman ni Kris, “Alam mo that was my mistake. Kasi first date sa tatay ni Bimb, movie kaya siguro ‘yun ang nangyari. Alam niyo na.”

Sa pagkakatanda ni Tetay, ang pinanood nila ni James sa unang date nila ay ang 2004 comedy film na “Meet The Fockers”. “Pero nu’ng dumating ‘yung ‘Little Fockers’ wala na kami (ni James). O di ba? It’s over. Hindi umabot ng sequel!” hirit pa ni Kris.

Read more...