After more than 10 years, feeling nangalawang si Sunshine Cruz sa papo-pose ulit sa isang pictorial for an endorsement. Nanibago raw si Sunshine noong nag-pictorial siya para sa bagong toothpaste na ine-endorse niya, ang White Glo.
“Nakakatawa, e, ‘yung yaya ko, siyempre, ‘di ba kahit naman nagseksi-seksi tayo nangangalawang din, So, okey, ‘Take na tayo. Bilis, bilis, bilis. Pose, pose, pose. Okey, tapos na.
‘Yung bandana! ‘Yung bandana!’ Ganoon ako Pero eto na lang, summer ulit parang you have a reason to wear your swimsuit na pinag-usapan na nag-two-piece ako,” kwento ni Sunshine.
Marami ang humanga sa kaseksihan ni Shine kahit may tatlong mga anak na sa pictorial na may malaking billboard sa EDSA, huh!
“Hindi kasi, of course, hindi naman dahil sa meron kang gustong patunayan but you’re here, ako as a mom, single mom of three, I want to inspire other moms na not because meron na kayong mga anak, magpapabaya na kayo sa katawan.
Dapat alagaan ninyo pa rin rin ang sarili ninyo not for your husband, not for other people, but for yourself.” Nag-iisa lang daw ang katawan natin so we should stay healthy, “If you want to live long, you have to take care of your loved ones, your family, your kids, kailangan malakas ka.
Ako ngayon ‘yun, kasi hindi naman ako nag-e-exercise noon. Ngayon nag-e-exercise na ako. And not for anything else, kasi syempre ‘yung ibang mga tao sinasabi nila, ‘Hmmm, ano lang ‘yan, nagpapapansin lang ‘yan sa ex niya,’ ‘yung mga ganoon. Hindi kaya! Bakit ako magpapapansin?”
She’s keeping herself fit and healthy dahil gusto rin niya kahit paano na maging inspirasyon sa ibang mga ina, “Hindi ko naman kailangang magpa-pansin. Hindi naman ako pinalaking KSP ng nanay ko, ng mga magulang ako.
Ako basta I’m doing my job. I’m doing things na alam kong makaka-inspire or makakabuti sa ibang tao.” Kung gustong magpapansin ni Sunshine, e, ‘di sana’y tinanggap niya ang alok ng isa pang men’s magazine para mag-pose ulit ng sexy after ng una niyang ginawa sa FHM mag.
“Ayaw na rin ng mga anak ko after FHM. Sabi ko, ‘Are you okey again that mommy will pose for another men’s magazine? ‘No more na muna Mom.’ Pero of course, noong pinapakita mo ‘yung mag, nakikita pa rin nila ‘yung ibang pages na may mga babaeng labas ‘yung ganyan,” pahayag ni Shine.