Andre Paras biglang natameme kay Ai Ai

aiai delas alas

KAHIT naging household name na ang Kapuso teen star na si Andre Paras dahil sa phenomenal ratings success ng The Half Sisters, hindi rin nito maiwasan na ma-starstruck sa iba pang celebrities sa industriya.

Sa katunayan, na-starstruck si Andre nang makita niya for the first time ang Philippine Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas. Nangyari ang kanilang pagkikita at pag-uusap sa taping ng special “crossover” ng karakter ni Andre bilang Bradley sa The Half Sisters at ng karakter ni Ai Ai bilang DJ Jeni sa primetime series namang Let The Love Begin.

“I wanted to say, ‘How are you, I can’t wait to work with you (Ai Ai).’ Pero, the thing that came out to my mouth is ‘Hi.’ Na-starstruck po ako. I can say na I’m honored to be working with her,” ani Andre sa isang interview.

Masasaksihan ng Kapuso viewers ang exciting “crossover” ni Bradley nang bisitahin niya ang radio show ni DJ Jeni para ipangalandakan sa buong sambayanan ang kanyang pagmamahal kay Diana na ginagampanan ni Barbie Forteza.

Kasama si Buboy Villar bilang Marlon, humingi si Bradley ng tawad kay Diana at nakiusap na bigyan pa siya ng isa pang pagkakataon.

Ipinahayag naman ni Ai Ai ang kanyang excitement sa special episode na ito tampok ang dalawang shows ng GMA, “Ang cute nga eh, kasi ngayon ko lang na-experience na may crossover yung mga shows.”

Magtagumpay kaya si Bradley sa kanyang plano? Ano kaya ang ipapayo sa kanya ni DJ Jeni? Magbago kaya ang isip ni Diana sa ginawa ni Bradley?

Sa direksyon ni Mark Reyes, abangan ang crossover episode nina Bradley at DJ Jeni sa The Half Sisters sa June 3 pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

Read more...