MAGANDANG buhay po! Ako po si Rhodora Fernandez ng Malolos, Bulacan.
Nais ko po sanang itanong sa SSS kung maaari po ba akong mag educational loan para sa anak ko? Siya ay nasa second year college.
Medyo hirap kami sa pagbabayad ng tuition niya. Paano po ba mag-apply ng educational loan sa SSS?
Maraming
Salamat po!
Dory
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Dory: Sa kasalukuyan ay pansamantalang itinigil ang pagpapalabas ng educational loan para sa mga anak ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) dahil naipamigay na ito sa mga nag-avail na ng educational loan sa may 40,000 students.
Sakaling magkaroon na ng pondo ay agad naman itong ipapaalam sa mga miyembro para makapag-avail ng benipisyo
Ipinatupad ng SSS ang educational assistance loan program (Educ-Assist) upang tulungan ang mga anak ng mga miyembro ng SSS na makapag-loan para sa kanilang edukasyon
Sa kabuuang P7 bilyon pondo, P3.5 bilyon dito ay mula sa national government habang ang P3.5 bilyon naman ay mula sa SSS.
Saklaw ng benipisyaryong ito ang mga miyembro, legal spouse, anak ng SSS member kabilang ang mga illegitimate, siblings ng mga hindi kasal na
SSS member, kabilang ang half brother at sister
May maximum na P15,000 kada semester/trimester ng actual tution fee o miscellaneous fees ang maaaring makuha ng mga borrowers
Ms Beth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs Department
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.