TATLONG buwang mamamahinga ang national boxer na si Mark Barriga para gumaling ang injury sa kanang kamay.
Dahil dito ay hindi makakapaglaro ang 2014 Incheon Asian Games bronze medalist sa 2015 Singapore Southeast Asian Games na mag-uumpisa sa Hunyo.
“Ooperahan yung kanang kamay nya kasi lumubog yung knuckle nya sa maliit na daliri,” sabi ni Alliances of Boxing Association of the Philippines (ABAP) executive director Ed Picson
Natamo ni Barriga ang injury habang nagte-training.
Kampante naman si Picson na makakasali ang 21-anyos na Dabawenyo sa Olympic qualifiers na gaganapin bago matapos ang taon.
“He wants to fight. Pwede naman, pero bibigyan ka ba ng medical clearance?,” sabi ni Picson.
“Hopefully, makaabot sya Olympic qualifiers sa October, Asian qualifying, at ABP World Series of Boxing (WSB) qualifiers.”
Si Rogen Ladon ang hahalili kay Barriga sa SEAG.
Ang iba pang lalaban sa SEAG ay sina Ian Clark Bautista, Mario Fernandez, Junel Cantancio, Eumir Felix Marcial at Wilfredo Lopez para sa men’s division.