NATUNTON na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nanay na nagtali sa anak na sanggol na parang aso sa Orani, Bataan.
Sinabi ni DSWD Secretary Corazon “Dinky” Soliman na ipinag-utos na niya ang pagliligtas sa isang-taong-gulang na sanggol na lalaki at pansamantalang ilagay sa ilalim ng pangangalaga ng DSWD.
Idinagdag ni Soliman na sasailalim ang sanggol sa psychosocial assessment samantalang pag-aaralan naman ng Kagawaran ang kapasidad ng nanay na alagaan ang sanggol.
Ito’y matapos maging viral sa social media ang mga litrato ng sanggol matapos itong itali na parang aso at hapagan pa ng dog food.
Tinawag pa ng babaeng nag-post ng mga litrato na may Facebook account na Ayra Dela Cruz Francisco ang sanggol na “her new pet.”
MOST READ
LATEST STORIES