Pacquiao kontra na isama ang Sarangani sa Bangsamaro region

manny pacquiao
Tutol si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa panukalang Basic Law for the Bangsamoro Authomous Region dahil isasama umano rito ang kanyang distrito.
Sa isang press statement, sinabi ni Pacquiao na pabor siya sa pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao pero tutol umano siya na isama ang Sarangani sa teritoryo ng Bangsamoro.
“I recognize the need to pass a law that will govern the area to ensure lasting peace and order which are the keys to economic prosperity and development in the region and throughout Mindanao,” ani Pacquiao.
Sinabi ni Pacquiao na hindi na dapat isama ang Sarangani sa panukalang Bangsamoro region dahil tahimik at payapa naman umano ang kanilang lugar.
Maaari umano na makagulo pa sa kanyang probinsya ang pagsasama rito sa Bangsamoro region.

Read more...