Pinoy na gumanda ang buhay dumami; naniniwalang gaganda pa-SWS

magandang buhay

Nadagdagan ang mga Filipino na nagsabi na gumanda ang buhay sa nakalipas na isang taon, at mas dumami pa ang bilang ng mga umaasa na gaganda pa ito sa susunod na 12 buwan.

Ito ay ayon sa survey ng Social Weather Station na isinagawa noong Marso. Ayon sa survey, 32 porsyento ang nakaramdam ng pagginhawa sa nakalipas na taon at 26 porsyento naman ang mas masama ang kalagayan ngayon o anim na porsyentong net gainers.

Mas mataas ito sa 29 porsyentong umunlad at 30 porsyentong sumama sa survey noong Disyembre. Umaasa naman ang 42 porsyento na mas gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan samantalang limang porsyento ang kabaliktaran ang hinaharap.

Noong Disyembre ang naitala ay 41 porsyentong pagunlad at anim na porsyentong pagsama. Nabawasan naman ang mga naniniwala na gaganda ang takbo ng ekonomiya sa darating na 12 buwan at 20 porsyentong hindi.

Noong Disyembre ang naitala ay 31 porsyentong uunlad at 15 porsyentong hindi. Ang survey ay ginawa mula Marso 20-23 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

Read more...