Ni Leifbilly Begas
“I AM his number one supporter,” ang mariing pahayag ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay kay Pangulong Aquino, at hindi gaya nang alam ng iba na kalaban siya nito at nang kanyang administrasyon.
“Kaya kung tutuusin hindi ako ang enemy ni PNoy,” giit pa ni Magsaysay nang bumisita ito sa Inquirer Bandera kamakailan.
“Ako lang ang nagsasabi ng totoo sa kanya yung mga nasa paligid nya will never tell him the truth (dahil) mapagagalitan sila. Ikaw ba sasabihin mo kay PNoy, ‘sorry PNoy I failed in my agency’ And they always paint the nice thing to get him on his side but you know sometimes its good to have somebody (to tell you the truth).
Inilarawan din ni Magsaysay si Aquino na “mabait” noong panahon na nakasama niya ito sa Kamara.
“Put it this way, marami naman kasi sa Congress na tahimik pero maabilidad. Ngayon naman na time to shine n’ya sana magpakitang gilas sya, di ba?”
Ayon kay Magsaysay, tatakbo sa pagkasenador sa ilalim ng United Nationalist Alliance na pinamumunuan nina Vice President Jejomar Binay at dating Pangulong Joseph Estrada, nakasisira kay Aquino ang kanyang Communications Group.
Comm group di marunong
Hindi umano marunong ang mga spokesmen ng Malacanang kaya “Napaaway tayo sa (isyu) ng Scarborough shoal….. tsaka yung sa Spartlys pala nagsalita si (Edwin) Lacierda dun napikon na yung mga Chinese.”
“Kasi para sa akin professional kasi yung spokespersons hindi mo dapat maging emotional when you do your job.
Eh sila yung mga inputs nila minsan parang lagi silang napipikon, lagi silang defensive at lagi silang nangungutya,” ani Magsaysay.
Abad nakakasira
Sumunod umanong nakasisira kay Aquino si Budget Sec. Florencio Abad na siyang nangangasiwa sa pondo na ibinibigay sa mga distrito.
Hindi pa natatanggap ni Magsaysay ang kanyang P70 milyong taunang alokasyon sa ilalim ng Priority Development Assistance Fund mula noong nakaraang taon.
No hard feelings
Sinabi ni Magsaysay na hindi masama ang loob niya kay Aquino pero “It’s more of disappointed ako.”
“Kasi nung tumakbo si Noynoy maganda yung slogan niya ‘kung walang corrupt walang mahirap’…I always wish that the new administration is better than the last for the benefit of the people pero pag masyadong too much pulitika imbes na mag-move forward tayo were not progressing eh.”
“It turned out yung tuwid na daan na sinasabi, tuwid nga pero madumi,” hirit pa ni Magsaysay.
Hindi rin umano isyu sa kanya ang pagiging malapit niya kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na hinahabol ng administrasyon dahil sa umano’y katiwalian sa kanyang pamumuno.
“Bakit sino ba itong bumabatikos sa akin, mga ally din naman sila ni GMA (dati). So anong credibility nila para bumanat sa akin.
Ang hindi lang naman naging ally ni GMA sa history ng Pilipinas ay si Binay lang naman eh,” ani Magsaysay.
“All these people lambasting me all served under GMA so how can they criticize me, they don’t have the credibility to do so.”
Natutuwa naman si Magsaysay sa pagbibigay sa kanya ng panahon ng kanyang mga kritiko dahil nangangahulugan ito na “sikat na ako siguro.”