BARON nabading kay JAKE

SO far, maayos pa rin ang takbo ng buhay at career ni Baron Geisler, mukhang tuloy-tuloy na nga ang kanyang pagbabago mula sa pagiging lasenggo.

“Sana nga hindi na malihis,” ang chika ni Baron kasabay ng pagsasabing talagang ginagawa niya ang lahat para hindi masira ang ilang buwan pagsasakripisyo niya sa rehab.

“I just really want to work, makaipon, gumawa ng magagandang proyekto para tuloy-tuloy na,” dagdag pa ni Baron na excited na sa gagawin niyang indie film kung saan makakatambal niya si Jake Cuenca.

Yes, gaganap na lovers sina Jake at Baron sa pelikulang “Lihis” kung saan magkakaroon sila ng laplapan at love scene, “It’s my first time to be in a love story and nagkataon, lalaki pa ang ka-love team ko.

Nakakabaliw for me, pero okay lang.”

“It would be a little awkward kissing another man but for the sake of art and my craft, it would be a great experience, tsaka type ko rin naman si Jake!” natatawang biro  ng aktor.

Read more...