LeBron binuhat ang Cavs sa 3-0 bentahe | Bandera

LeBron binuhat ang Cavs sa 3-0 bentahe

Melvin Sarangay - , May 25, 2015 - 08:55 PM

lebron james

CLEVELAND — Binalewala ni LeBron James ang masagwang field goal shooting matapos magtala ng triple-double at ihatid ang Cleveland Cavaliers sa overtime panalo kontra Atlanta Hawks, 114-111, kahapon sa Game Three ng NBA Eastern Conference Finals.

Lamang ang Cleveland sa serye, 3-0, at isang panalo na lang ang kailangan nito para makarating sa NBA Finals. Sumablay si James sa kanyang unang 10 tira sa first quarter subalit nagtapos siya na may 37 puntos, 18 rebounds at 13 assists.

Halos mag-isang binuhat ni James ang Cavs laban sa top-seeded Hawks, na nakipagpukpukan sa Cleveland hanggang sa mga huling segundo ng laro kahit nawala ang injured shooter nitong si Kyle Korver at Al Horford na napatalsik sa laro bago magtapos ang first half.

Naghulog si James ng 3-pointer may 36.4 segundo na lang ang natitira para ibigay sa Cavs ang isang puntos na kalamangan bago sinundan ito ng isang layup may 12.8 segundo ang nalalabi sa laro para itulak ang Cavs sa 114-111 kalamangan.

“He just wouldn’t let us lose,” sabi ni Cleveland coach David Blatt. Dalawang beses nabigyan ng pagkakataon ang Atlanta na itabla ang laro sa mga huling segundo ng laro subalit sumablay si Shelvin Mack sa kanyang dalawang 3-pointers.

At sa pagtunog ng final buzzer, ang pagod na si James, na may iniindang kanang hita sa overtime, ay biglang napahiga sa sahig at kinailangang buhatin para makatayo.

“I worked extremely hard and for me as a leader no matter how I’m feeling I’ve got to try to make some plays,” sabi ni James, na pipiliting ihatid ang Cavs sa ikalawang pagtungtong sa NBA Finals sa Game 4 bukas.

Si Jeff Teague ay umiskor ng 30 puntos para pamunuan ang Hawks habang si Paul Millsap ay nag-ambag ng 22 puntos. Napag-iwanan ng 10 puntos sa ikaapat na yugto, ipinakita ng Hawks ang kanilang katatagan at muntikan na silang magwagi sa laro na naggarantiya sana na magkakaroon sila ng isa pang home game sa darating na Biyernes.

Subalit matindi ang kanilang haharapin para manalo sa serye dahil wala pang NBA team ang nakakabangon buhat sa isang 3-0 na paghahabol.

Naghulog si Teague ng isang step-back jumper may 55 segundo para ibigay sa Hawks ng dalawang puntos na kalamangan, 111-109, bago sinagot ito ni James — matapos ang offensive rebound ni Tristan Thompson — na tumira ng corner 3-pointer, na halos katulad ng kanyang buzzer-beating shot kontra Chicago sa second round, na nagkaloob sa Cavs ng 112-111 abante may 36.4 segundo ang natitira sa laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakaiskor si James sa kanyang runner sa harap ni Millsap at halos pigil-hininga ang Cavs at 20,000 fans na nanood ng laro matapos na tumira si Mack ng dalawang beses mula sa three-point area.

Hindi nakapaglaro sa ikalawang sunod na laro kahapon si Kyrie Irving para sa Cavaliers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending