Manlalaro ng JRU namatay 2 araw matapos mag-collapse

Servillon

Servillon


NAGLULUKSA ngayon ang buong komunidad ng Jose Rizal University (JRU) matapos ang pagkamatay ni Light Bomber Carl Jimwell “CJ” Servillon noong Linggo, dalawang araw matapos mag-collapse habang naglalaro ang koponan laban sa De La Salle-Zobel.
Sa isang ulat ng Spin.ph, sinabi nito na nasawi ang 17-taong-gulang matapos ang timeout sa laro ng JRU sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup noong Biyernes kung saan agad naman siyang isinugod sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.
Dalawang araw na na-comatose si Servillon sa intensive care unit (ICU) ng ospital bago nalagutan ng hininga.

Sinabi ni JRU coach Nat Gregorio na nabigla ang koponan sa nangyari, sa pagsasabing walang silang ideya, maging ang mga magulang ni Servillon sa kondisyon ng anak.

“During the timeout, sabi lang ng teammate na nahilo sya. He collapsed right away,” sabi ni Gregorio.

Matapos ang insidente, sinabi ni Gregorio na pinag-aaralan pa nila kung itutuloy pa ng JRU ang pagsali sa summer tourneys.

“We are still going to talk about it kung ano yung magiging best for the rest of the team. Pero in the meantime, we are still in the state of shock regarding sa nangyari,” dagdag ni Gregorio.

Sa isang pahayag, nanawagan naman ng dasal ang JRU para sa pamilya ni Servillon.

Read more...