MRT muling nagkaaberya; itinapong plastic sinisi

mrt
NAGKAABERYA muli ang operasyon ng MRT matapos sumabit umano ang plastic sa Ortigas station.
Ganap na alas-2:50 ng hapon nang ihayag ng isang operator ng tren sa MRT na pinahinto lahat ng tren matapos sumabit ang isang itinapong plastic sa Ortigas station.
Idinagdag ng operator na tinatangka nang alisin ang plastic para makabiyahe na muli ang mga tren.
Nang bumalik ang operasyon ng mga tren, tanging ang biyahe mula sa Shaw, Boni at Taft Ave. station ang umaandar.

Read more...