Duterte kinumpirma ang kaugnayan sa Davao Death Squad

duterte1
HINILING ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga botante na huwag siyang iboto dahil ayaw na niyang pumatay ng tao.

Sa isang panayam sa lokal na telebisyon na “Gikan sa Masa, Para sa Masa,” inamin din ni Duterte ang kaugnayan niya sa kontrobersiyal na Davao Death Squad (DDS).

“They say I am the death squad? True, that is true,” sabi ni Duterte.

Ang DDS umano ang nasa likod ng pagpatay sa mahigit 1,000 pinaghihinalaang kriminal sa lungsod simula nang maging mayor si Duterte noong 1988.

Nasa ikatlong puwesto si Duterte sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) sa mga posibleng tumakbo sa 2016 presidential elections kung saan ka-tie niya si Interior Secretary Mar Roxasy.
Nagbabala si Duterte na tataas pa ang mga bilang ng mga suspek na sangkot sa krimen sa 100,000 kapag nahalal siya bilang pangulo.

“If by chance, God will place me there, the 1,000 will become 100,000,” he said.

“Diyan mo makita na tataba ang isda sa Manila Bay. Diyan ko kayo itatapon,” dagdag pa ni Duterte.

Samantala, hinamon ni Duterte ang Human Rights Watch na pumunta sa Davao para makaharap sila.

“Gusto ko sila pumunta dito. File directly in court. Then I’ll place you under oath. Just execute an affidavit. Then I’ll call you when it’s my time for cross-examination. And I will show to the world how stupid you are,” dagdag ni Duterte.
Nauna nang sinabi ng HRW na dapat imbestigahan si Duterte sa pagkakasangkot sa pagpatay sa mga pinaghihinalaang mga sangkot sa krimen sa Davao City.

Read more...