Number ng textmate tinayaan; nanalo sa lotto

lotto for site
Sinong mag-aakala na may hatid na suwerte ang isang textmate?
Isang 35-anyos na babae ang nanalo ng P519,816 sa 6-digit draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office noong Mayo 14.
Salamat sa mga numerong 0-9-1-2-3-2 na numero ng kanyang text mate.
Ang nanalo ay wala pang asawa at wala ring trabaho. Siya ay residente ng Mandaluyong. Nagkakahalaga ng P10 ang kanyang taya at may tatlong taon na umano siyang tumataya.
Plano niyang magtayo ng sari-sari store upang may mapagkakitaan.

Read more...