Jackpot sa Grand Lotto 6/55 bukas aabot na ng P157M

655lottoInaasahang aabot sa P157 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola bukas ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nanalo sa P148.7 milyong jackpot prize sa bola noong Sabado ng gabi kung saan lumabas ang mga numerong 40-05-55-35-52-20.
Nagkakahalaga ng P40.3 milyon ang itinaya sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P91,720 ang 22 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas. Tig-P1,480 naman ang 1,090 mananaya na nakaapat na numero at balik-taya ang 2,762 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinsyon.

Read more...