Angel ayaw tumakbo sa Eleksiyon 2016: Pasaway kasi ako!

angel locsin

“Pasaway po ako, e!” Ito ang isa sa mga dahilan ni Angel Locsin kung bakit wala siyang kaplanu-plano na sumabak sa politika. Hindi raw porke aktibo siya sa mga charity events at relief operations kapag may mga sakuna ay may ambisyon na siyang maging politiko.

“Hindi ko kasi nakikita ‘yung sarili ko (sa politika). Pakiramdam ko, mas magpa-function ako na nagpa-follow kaysa sa pagiging leader. Being a leader, mas iba ‘yung power na kailangan mo talaga din.

“Kailangan napapasunod mo talaga ‘yung mga tao. I think I’m more of a follower. At saka may pagka-pasaway po talaga ako,” diretsong sabi ni Angel na umamin ding susuportahan ang boyfriend niyang si Luis Manzano sakaling tumakbo ito sa 2016.

Read more...