Lyca natalo si Ryzza Mae sa pagka-Best Child Star

lyca ryza mae

TALAGANG ininterbyu ko si Lyca Gairanod after nga itong mapasama sa PEP List Year 2 bilang Child Star of the Year, tinalo niya si Aling Maliit na si Ryzza Mae Dizon at iba pang magagaling na artistang bagets.

At sa dami ng kinabog niyang child stars, gusto naming malaman kung anong magic o karisma meron ito. “Lyca, child star ka na pala? Sikat na singer kasi ang pagkakakilala namin sa iyo eh,” tanong namin sa bagets.

“Sabi nga po nila. Hindi ko po alam,” sagot nito. “Kilala mo ba ang mga sikat na child stars na kinabog mo sa PEP List?” balik-tanong namin.

“Opo. Siguro po marami lang talaga akong fans at supporters na bumoto. Salamat po talaga sa kanila,” hirit uli nito sa amin. Ayon sa mga taga-PEP, milyones ang nakuhang votes ni Lyca para sa naturang kategorya na kanila ring ikinagulat pero wala raw silang magagawa dahil “botohan” naman daw talaga ang lahat.

Magaganap ang coronation event sa June 18 at ka-level na nga ni Lyca sina Kim Chiu, Xian Lim , Marian Rivera at ang pinakasikat na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, bilang ilan sa big winners this year.

Pero teka lang uli, tinalo din pala ni Darren Espanto si Daniel Padilla sa kategoryang Teen Star of the Year. Which means, sobra talaga ang dami ng fans (at masisipag mag-cast ng votes up to 100 votes a day as allowed) ng The Voice winners.

 

Read more...