Marian: Gusto kasi talaga namin maraming anak!

dindong dantes

HINDI pa alam nina Marian Rivera at Dingdong Dantes kung anong gender ng magiging first baby nila. This week pa lang daw kasi sila pupunta sa kanyang OB-Gyne para magpa-ultrasound.

Ngayon pa lang ay talagang super excited na ang mag-asawa sa paglabas ng magiging anak nila, pero wala pa rin silang desisyon kung ano ang magiging pangalan ng bata.

Pero hindi pa nga nanganganak ay inamin na ni Marian na okey lang sa kanya kung magsunud-sunod ang pagbubuntis niya dahil pareho sila ni Dingdong na gusto ng maraming anak.

Sey pa ni Marian sa ginanap na presscon ng PEP List Year 2 kung saan itinanghal nga sila ni Dingdong na Newsmaker of the year, wala siyang pagsisisi sa desisyon niyang magpahinga muna sa paggawa ng mabibigat na proyekto, dahil ang pinaka-priority niya ngayon ang kanyang asawa at ang magiging baby nila.

Kung matatandaan, kahit marami nang nakunang eksena si Marian sa GMA series na The Rich Man’s Daughter (na pinalitan ni Rhian Ramos) ay talagang binitiwan niya ito dahil nga delikado sa kanyang pagbubuntis.

“Sabi ko nga, ang showbiz nasa parte ng buhay ko ‘yan. Minahal ko ‘yan. Marami akong nakilala, marami akong natutunan, diyan ko nakilala ang naging asawa ko.

“Pero at the end of the day, ang importante sa akin, nagkaroon ako ng isang pamilya at bubuuin ko pa siya. Gusto ko marami talagang anak. So, ‘yun ang pangarap ko,” esplika ng GMA Primetime Queen.

Dagdag pa nito, “Maraming adjustment kasi marami kang kailangan i-sacrifice, e. Like for example, may soap opera ako, ginive up ko ‘yun, kasi mas mahalaga sa akin na maging healthy ‘yung anak ko.

“Hindi ako mapuyat, hindi ako ma-stress. Sabi ko nga, ang soap madali ‘yan, e. Kahit next year, kaya kong gawin. Pero ‘pag may nangyari sa anak ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. So, mas pipiliin ko na safe siya,” paliwanag pa ng aktres.

 

Read more...