Balo na, makapag- aasawa pa ba? (2) | Bandera

Balo na, makapag- aasawa pa ba? (2)

Joseph Greenfield - May 24, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Evelyn ng KM 11, Sasa, Davao City
Dear Sir Greenfield,
1. Mula ng mamatay ang aking asawa noong 2013 ay nagkanda-lugi-lugi na ang aming negosyo hanggang sa mabaon ako sa mga pagkakautang. Ang mga anak kong dating nagsisipag-aral sa maayos na eskuwelahan ay nailipat sa public at iyong iba ay nahinto na sa pag-aaral. Tatlo kasi ang anak ko na naiwan sa akin ng mister kong maaga namatay, kaya hirap na hirap ako sa ngayon.
2. Kaya minsan parang gusto ko ng tapusin ang buhay ko kaya lang naaawa ako sa mga anak ko na maliit pa at hindi pa kayang mabuhay nang wala ako. Sa ganitong kalagayan ng aming buhay may pag-asa pa kayang umunlad. Sa paanong paraan sa ngayon po ay naglalako na lang ako ng kung anu-anong paninda sa palengke para maka-survive. At sa palagay n’yo makapag-aasawa pa kaya ako para may makasama at makatuwang man lang ako sa buhay? October 14, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Evelyn ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing sa ikalawang pag-aasa, hatid ng isang lalaking Aquarius, susuwertehin ka na, uunlad at habang buhay na liligaya.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing pagkatapos ng mga paghiirap at mga tiisin, muli kang yayaman sa pagnenegosyo, katuwang ang ikalawang lalaking mapapangasawa mo na nagtataglay ng birth date na 19.
Luscher Color Test:
Mapalad ang kulay na silver, gray at pula. Ang nasabing mga kulay kapag lagi mong ginagamit ay magsisilbing pang-hatak ng suwerte at panghigop ng buenas.
Huling payo at paalala:
Evelyn ayon sa iyong kapalaran kahit nawalan ka ng asawa, hindi ka parin dapat mawalan ng pag-asa, sapagkat sa taon ding ito ng 2015, isang lalaking nagtataglay ng initial na A.B. ang iyong makikilala, may kaya siya sa buhay, negosyante din at binata. Sa panahon ding ito ng nalalapit na tag-ulan, mai-in love siya sa iyo hanggang sa mabubuo ang isang matimyas at masarap na relasyon. Hanggang sa kayo ay magpakasal at sa panahong mag-asawa na kayo, tuluyan mo na rin siyang makukumbinse na muling buhayin ang negosyong dating itinayo ng mister mo at kapag muli kang nakapagnegosyo, uunlad at yayaman kang muli hanggang sa mabigyan mo na ng magandang kinabukasan ang inyong anak, at ang inyong pamilya ay tuluyan ng magiging masagana at maligaya habang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending