Pamilya ni Joy Viado humiling ng dasal sa madlang pipol Bandera

Pamilya ni Joy Viado humiling ng dasal sa madlang pipol

Ambet Nabus |May 24,2015
share this

Pamilya ni Joy Viado humiling ng dasal sa madlang pipol

Ambet Nabus | May 24,2015 - 02:00 AM

joy viado

Very touching naman ang napanood naming video clip hinggil sa ginawang fund-raising event for Joy Viado ng mga kaibigan niyang komedyante at kapwa entertainers.

Ganu’n talaga ang buhay kapag maraming mga kaibigan at totoong mga nakasama na pinakisamahan mo ng maganda at maayos di ba kapatid na Ervin?

Kasalukuyang nasa ospital ang komedyante na halos maputulan na pala ng paa sanhi ng komplikasyon sa diabetes pero sinisikap ngang iligtas at magamot.

Gagamitin ang pera at anumang donasyon mula sa nasabing event para sa pagpapagamot ni Joy na maraming beses din naman tayong pinasaya at pinatawa sa mga shows, movies at TV roles niya.

Magkakaroon pa daw ng isang event para dito ayon kay Mamu Andrew de Real dahil marami pa nga ang nagnanais na matulungan si Joy.

Bukod sa tulong pinansyal na talagang urgent, humihingi pa rin ng dasal ang mga kaibigan at kapamilya ni Joy. Magpakatatag ka Joy. Keri mo iyan girl!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending